Itinakda na sa darating na October 11 ang pagbida ng Pinay beauty queen turned actress na si Gloria Diaz sa isang Hollywood series.

Mismong ang Netflix ang nagpatikim sa anila’y magiging papel ng “timeless Gloria Diaz” sa “Insatiable Season 2.”

“This is how you make an entrance like a queen,” saad pa ng nasabing online streaming service.

Makakasama ng 1969 Miss Universe 1969 ang mga Hollywood stars na sina Debby Ryan at Dallas Roberts.

Nitong Mayo nang kumpirmahin ng 68-anyos na si Diaz ang kanyang guest appearance sa naturang hit Netflix show.

“Working with Dallas Roberts on the set of Insatiable of Netflix. I am excited, nervous, feels like I am a beginner, can’t remember my lines and just totally overwhelmed,” ani Diaz.

Patungkol ang nabanggit na palabas sa isang teenager na tinarget maging beauty queen upang maghiganti sa mga umapi sa kanya.