Kasalukuyang nasa bansa ang award-winning Fil-Am actor na si Darren Criss at nagbabakasyon sa El Nido, Palawan, kasama ang misis.

Ito’y dalawang buwan matapos maikasal ang 32-year-old “Glee” actor sa kanyang longtime girlfriend na si Mie Swier.

Mismong si Criss ang nag-post ng larawan nila ng misis habang nasa Miniloc Island kung saan todo puri ito sa aniya’y “unforgettable getaway in paradise.”

Una na nitong ibinida ang pagkakaroon ng dugong Pinoy sa pamamagitan ng kanyang ina na tubong Cebu.

Kung maaalala, inalay pa nito sa kanya raw “firecracker Filipino woman” na ina ang nasungkit na Golden Globe award ngayong taon.

-- Advertisement --

Partikular dito ang Best Performance by an Actor in a Limited Series or a Motion Picture Made for Television para sa pagganap nito sa “The Assassination of Gianni Versace: American Crime Story.”