PMA CADET
Cadet 4th Class Darwin Dormitorio

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi napigilan nang girlfriend ni PMA cadet 4th class Darwin Dormitorio ang humagulhol habang binabasa ang huling mensahe nito sa kaniyang pumanaw na nobyo.

Sa isinagawang eulogy sa Oro Gardens Memorial Park kung saan inilibing ang mga labi ni Dormitorio, ibinalik-tanaw ni Ashley Cabigas ang mga masasayang ala-ala nila ni Darwin.

Ayon kay Ashley, plano sana nilang magpakasal pagkatapos sa kaniyang graduation sa PMA ngunit hindi na ito mangyayari matapos itong masawi dahil sa sinasabing hazing sa loob ng akademya.

Gusto rin ni Darwin na makatapos siya sa kursong doktor at kaniya umano itong isakatuparan kahit wala na ang kaniyang nobyo.

Dagdag pa ni Ashley na mananatili niyang inspirasyon si Darwin upang makamit ang mga pangarap niya sa buhay.