Barangay Ginebra
Barangay Ginebra/ PBA image

Tinambakan ng Barangay Ginebra ang Magnolia Hotshots 105-83 sa kanilang paghaharap sa PBA Governors’ Cup.

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang panalo ng Gins na nagtala ng 27 points, 9 rebounds at 10 assists.

Mula pa sa unang ay hindi na hinayaan ng Ginebra na makalamang pa ang Magnolia.

Nasayang naman ang ginawang 17 points at 17 rebounds ni Romeo Travis para sa Hotshots.

Dahil sa panalo ay mayroon ng 3-2 win-loss record ang Gins habang mayroong tatlong panalo at apat na talo ang Magnolia.