-- Advertisements --

Itinuturing ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone bilang isang hamon ang pagkakapili sa kaniya bilang coaching staff ng Miami Heat sa NBA Summer League.

Sinabi ng beteranong coach na inimbitahan siya ng Heat sa summer league game na magsisimula sa Hulyo sa San Francisco at Las Vegas.

Magiging bahagi ito sa coaching staff ni Malik Allen na siyang mamumuno sa Summer League Team.

Bibisita lamang ng ilang araw si Filipino-American Heat coach Erik Spoelstra sa mga laro ng kaniyang koponan.

Si Cone at Spoelstra ay magkaibigan kung saan makailang beses na sila nagkita sa US noong naghahanap ng mga import si Cone sa kaniyang koponan.

-- Advertisement --

Unang makakaharap ng Heat ang Boston Celtics sa Hulyo 9.

Noong nakaraang taon ay napili naman si PBA legend Jimmy Alapag na maging assistant coach ng Sacramento Kings na nagwagi ng Summer League title.

Naging bahagi rin si Alapag sa coaching staff ng Stockton Kings sa NBA G League.

HEADLINES: