pusil
-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakahandusay nang nadatnan ng mga otoridad ang isang ginang matapos itong barilin ng isang kagawad ng Brgy. Daywan, sa bayan ng Claver, Surigao del Norte.

Nakilala ang biktima na si Gertrudes Reges Mellang, 43, habang ang suspek naman ay nakilalang si Rene Cresencia Pepino, 52, may live-in partner, residente ng Purok 4, ng naturang barangay.

Ayon sa pulisya, pinuntahan umano ng biktima ang suspek sa kanyang bahay at kinumporta ng misis nito sa dahilan kung bakit siya ipinapatawag sa barangay.

Nagkartaasan umano ng boses ang dalawa kung kaya’t pumasok sa loob ng bahay nito ang kagawad at bitbit na sa kanyang paglabas ang di pa malamang kalibre ng armas sabay baril sa biktima na natamaan sa kanyang dibdib.

Nadala pa ito sa ospital ngunit namatay din kina-umagahan.

-- Advertisement --