-- Advertisements --

ILOILO CITY- Para maipatupad pa rin ang physical distancing ng mga taong nakapila sa mga terminal ay nakaisip ng kakaibang gimik ang mga operators at drivers sa lalawigan ng Iloilo.

Kasunod ito ng pagbabalik sa trabaho ng mga empleyado ngayong araw matapos isailalim ang buong lalawigan sa General Community Quarantine.

Pinayagan na kasing makabalik ang mga pampublikong transportasyon sa buong Western Visayas subalit kinakailangang sundin ang mga inilatag na alintuntunin gaya ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at 50% lang ang pasahero sa bawat sasakyan.

Kabilang sa mga gimik ng mga pampublikong sasakyan ay ang paglagay ng karton ng alak at juice at maging bote ng 1.5 liters na softdrinks sa pagitan ng mga pasahero.

Ayon sa ilang mga drivers, ito ang kanilang paraan upang mapasiguro ang kaligtasan ng bawat pasahero at ipinapaalala rin nila sa mga mga ito na palaging magsuot ng facemask sa tuwing sasakay ng mga pampublikong sasakyan.