Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Singapore 110-58 sa unang laro nila sa 30th Southeast Asian Games.

Nanguna sa panalo si Troy Rosario na mayroong 15 points at may tig-14 points sina Vic Manuel at Stanley Pringle.

Sa pagsisimula pa lamang laro ay umarangkada na ang Gilas at hindi na hinayaan pa nilang makalamang pa ang Singapore.

Susunod na makakalaban ng Gilas ang Vietnam sa Biyernes at Myanmar naman sa Sabado.

Bagamat panalo ay hindi masyado kumbinsido si Gilas coach Tim Cone dahil may mga iba pang adjustments sa depensa.