giannis antetokounmpo
-- Advertisements --

Bumida si Giannis Antetokounmpo gamit ang 10 points sa overtime upang bweltahan ng Milwaukee Bucks mula sa 19-point deficit ang Philadelphia 76ers, 109-105.

Sa kabuuan kumamada ng 32 points, 15 rebounds at five assists si Giannis.

Ito na ang ika-limang panalo ng Bucks sa 76ers, kung saan sinamantala ang hindi paglalayo ng main player na si Joel Embiid.

Para kay Antetokounmpo, kabilang ang matinding depensa na naging susi sa kanilang panalo.