Giannis Antetokounmpo
Giannis Antetokounmpo/ IG image

Patuloy ang pamamayagpag ng NBA top team na Milwaukee Bucks nang maging bagong biktima ang Charlotte Cornets, 116-103, sa first NBA regular-season game na ginanap sa Paris, France.

Nagpakita ng 30 points at 12 rebounds ang NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo para sa kanilang ika-40 panalo.

Ito ang ika-walong sunod na panalo ng Milwaukee para sa kanilang best 46-game start sa franchise history.

Bago naman ang game agaw pansin ang panonood ng retired at dating San Antonio Spurs star Tony Parker na binigyan ng standing ovation ng mga fans.

Gayundin ay binigyan nang pagkilala si Ronny Turiaf, na isang NBA champion noong bahagi pa ng Miami Heat noong taong 2012.

Samantala ang isa pang taga-France na si Nicolas Batum, na umiskor ng five points para sa Hornets, ay itinaas din ang kamay nang ipagsigawan ng crowd ang pangalan.