Muling nauungkat sa online world ang tila hindi magandang record ni Gerald Anderson pagdating sa paghawak ng romantic relationship.

Gerald on Diego Barbie

Ito’y matapos putaktihin ng mga netizen ang kanyang komento sa Instagram post ng kaibigang si Diego Loyzaga hinggil sa sorpresa sa girlfriend na si Barbie Imperial.

Ang naturang sorpresa sa kuwarto ni Barbie ay sa pamamagitan ng pagpuno ng mga kulay puting lobo, puting rosas, puting kandila at kinabitan pa ng fairy lights.

Ayon sa anak ng estranged couple na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, hindi ito mapapagod na sorpresahin si Barbie, bagay na labis namang ikinakilig ng 22-year-old actress.

Gayunman, hindi napalampas ng mga kritiko ang kantyaw ni Anderson na sa kanilang grupo nakuha ni Diego ang ganoong istilo ng pagpapakilig, sa pagsasabing hindi manloloko nakababatang aktor.

Kung maaalala, kontrobersyalkasi ang love life ni Anderson kasunod ng paghihiwalay nila ni Kim Chiu. Sunod kasi nitong naging karelasyon ang best friend ni Kim na si Maja Salvador, habang ikinagalit din ng fans ni Bea Alonzo ang “ghosting” o pang-iiwan sa kanya ni Gerald sa ere, at ngayo’y tikom pa ang bibig sa usap-usapang nobya na nito ang young actress na si Julia Barretto.