kawhi leonard

Sumandal ang Los Angeles Clippers sa tandem nina Paul George at Kawhi Leonard upang dominahin ang Phoenix Suns, 120-99.

Umiskor si Paul George ng kabuuang 24 points habang nagdagdag naman si Kawhi Leonard ng 20 sa kanilang pagbabalik sa teritoryo makalipas ang road games na nagdala sa kanila sa record na 4-2.

Habang si Lou Williams ay tumulong din sa 20 points para sa Clippers.

Sa huling laro ni Leonard sa labas ng Staples Center ay natalo sila sa Bulls.

Sa ngayon hawak ng LA ang 21-8 record samantalang nasadlak pa sa 11-16 ang Suns.

Sunod na misyon ng Clippers ay ang pagbisita sa kanila ng Rockets sa Biyernes.

Ang Suns naman ay haharapin ang Thunder.