NBA legend na si Kobe Bryant and daughter Gianna

GENERAL SANTOS CITY -Dagsa pa rin ang mga basketball fans sa isang mall didto sa lungsod ng GenSan upang masilayan ang tribute wall para sa NBA legend na si Kobe Bryant.

Ito’y bilang pagpupugay sa NBA icon na nasawi noong Enerso 26, 2020.

Ang nasabing tribute wall ni Bryant ay puno ng mga pirma mula sa mga fans nito sa lungsod at iba pang mall goers na nagmula pa sa ibat-ibang bahagi ng Soccsksargen.

Ilan sa mga ito isinulat dito ang kanilang maadamdaming mensahe at pasasalamat para sa itinuring na ” The Black Mamba”

Nakalagay sa nasabing tribute wall ang pangalang ‘KOBE” at jersey number nitong 24.

Matatandaang nasawi si Bryant kasama ang 13 yr. old na anak na si Gianna nang bumulusok ang sinasakyan nitong helicopter sa California.

Samantala, naging patok naman sa mga mall goers ang tribute wall na ginawang background upang mag-selfie at mag-groupie sa kanilang mobile phones.