GENERAL SANTOS CITY – Makaapat na beses na sumirko sa ere ang isang jeep hanggang mahulog ito sa talampas matapos nawalan ng preno na nagresulta sa pagka hospital sa 32 biktima.

Ayon kay Purok Chairman Rogelio Paglinawan ng Purok Balakayo, Olympog nitong lungsod na accident prone area ang nasabing lugar dahil marami ng sasakyan ang nahulog gayong sa nagdaang linggo isa ang namatay matapos mahulog ang motor sa bangin.

Dagdag ni Paglinawan na galing umano ang mga biktima sa Sanchez peak isang tuorist destination nitong lungsod at duon natulog.

Nalaman na mga estudyante na edad 16 hanggang 18 at mga residente ng Polomolok ang mga biktima na dinala sa Dr George Royeca hospital matapos nagkagalos ang mga parte ng katawan.

Nalaman na nawalan ng preno ang jeep na maneho ng mismong may-ari na nagpangalang Francis Jade Solisito 24 gulang na residente ng Polo, Polomolok South Cotabato.

Nakasama din sa disgrasya ang asawa ng driver na ginagamut ngayon sa pagamutan.