GenSan map

GENERAL SANTOS CITY – Iniutos na ni Gensan City PNP director Col. Aden Lagradante ang malalim na imbestigasyon sa dalawang insidente ng panghahagis ng granada na nangyari sa magkahiwalay na lugar sa lungsod.

Nabatid na hinagisan ng granada ng dalawang hindi nakilalang lalaki na nakamotorsiklo ang Jorey gas station sa Brgy. Tinagacan sa siyudad ng GenSan.

Sumabog ang granada ngunit maswerteng walang natamaan na mga empleyado matapos na tumama sa plastic barricade ng gasolinahan na pagmamay-ari ni Joel Apolinario ang founder ng KAPA o Kabus Padatuon.

Nais malaman ni Col. Lagradante kung sino ang nasa likod ng panghahagis ng granada sa gas station.

Nilinaw naman ni Lagradante na hindi sumabog ang granada na hinagis sa Metro GenSan sa Brgy. Lagao, GenSan.

Iniutos na ng opisyal sa chief of police ng Tinagacan at Lagao Police Station na tutukan ang imbestigasyon lalo pa na ang gasolinahan at Metro Gensan ay sangkot sa investment sa GenSan.