CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang Garbage collector matapos na mabangga ng motorsiklo Cabatuan, Isabela.

Ang biktima ay si Lauriano Caraton, Garbage collector pamahalaang bayan ng Cabatuan at residente ng barangay Magdalena, Cabatuan, Isabela habang ang tsuper ng motorsiklo na nakabangga ay si Michael Asuncion na residente ng Binarsang, Reina Mercedes, Isabela.

Ayon sa Cabatuan Police Station, dinala pa sa pagamutan ang biktima subalit binawian din ng buhay dahil sa mga tinamong malalang sugat.

Nag-usap ang ang pamilya ng biktimang nasawi at tsuper ng motorsiklo sa himpilan ng pulisya sa naturang bayan ngayong araw.

Nagbigay naman ng tulong ang lokal na pamahalaan sa kanilang kawani na nasawi sa aksidente.

-- Advertisement --