Tiniyak ng kinoronang Ganda Pulis 2017 winner na si PO1 Arla Ray Pacencia mula sa region 8 na hindi umano galing sa kaban ng PNP ang ginastos sa isinagawang beauty pageant na ginanap nuong Martes ng gabi kundi galing ito sa ibat ibang sponsors.

Ito ay sa kabila ng batikos ng mga kritiko na sana ang ginamit na pondo sa pageant ay binili na lamang mga kagamitan para sa mga pulis.

Si PO1 Pacencia ang kauna-unahang Ganda Pulis winner sa kasaysayan ng PNP, siya ang napili sa 27 kandidata na nagtagisan ng ganda at talino

Si Pacencia ay mula sa Police Regional Office 8 at tubong Tacloban City, Leyte na isang registered nurse pero pinili na maging miyembro ng PNP.

Ang Ganda Pulis 2017 pageant ay kaakibat sa paggunita ng Womens month celebration.