TORONTO – Tumipa ng 25 points si D.J. Augustin, kabilang na ang tiebreaking 3-pointer sa huling 3.5 seconds, at tinalo ng Orlando Magic ang Toronto Raptors 104-101 sa Game 1 ng kanilang Eastern Conference first-round series.

Kumamada si Aaron Gordon ng 10 points at 10 rebounds, nagtapos na may 16 points si Evan Fournier at may 11 naman si Jonathan Isaac sa panalo ng No. 7-seeded Magic kontra Toronto sa opening game ng playoff series.

Samantala, si kawhi Leonard ay kumamada ng 25 points, may 24 si Pascal Siakam at nag-ambag ng 14 si Fred VanVleet para sa second-seeded Raptors.