Ipinasok ni Gordon Hayward ang tiebreaking shot sa huling dalawang segundo upang itakas ng Boston Celtics ang 111-109 panalo kontra Sacramento Kings.

Na-foul ni Hayward si Buddy Hield sa pagtatangka nito sa 3-point line sa nalalabing 7.6 seconds, na siyang nagbigay-daan upang itabla ng Kings ang iskor.

Dahil sa wala nang timeouts ang Boston, ginawa nila ang lahat upang makaisor sa pamamagitan ni Hayward.

Pinangunahan ni Jayson Tatum ang Boston sa kanyang 24 points, na sinundan ng 21 points, 11 rebounds at pitong assists ni Al Horford.

Nagtapos naman si Hayward na may 12 markers.

Hindi naman nagbunga ang 24 points ni Harrison Barnes, maging ang 23 ni Hield na inialay sa Kings.