Ibinunyag ng English actress na si Sophie Turner na muntik nang hindi matuloy ang pag-iisang dibdib nila ng American singer na si Joe Jonas noong May 2.

Ayon sa “Game of Thrones” star, nagkaroon kasi sila ng alitan ni Jonas pero nanaig pa rin ang pamamahal sa isa’t isa.

“It was the worst day of our lives. For a second we both had cold feet, then 24 hours later we were both like: Never mind,” saad ng 23-anyos na si Turner.

Nagpapasalamat din daw siya na nabago ng kanyang 29-year-old pop star husband ang pananaw nito sa buhay noong mga panahong magulo ang isip.

Kung maaalala, ginulat nina Turner at Jonas ang kani-kanilang mga fans sa tila surprise wedding sa Las Vegas matapos ang 2019 Billboard Music Awards.

Sinasabing taong 2016 nang magsimula ang love story ng dalawa at nauwi sa engagement noong October 2017.

Sophie Turner
(C) HBO

Si Turner ay nakilala sa pagganap bilang si Sansa Stark sa nasabing fantasy television series.