Pinangunahan ni Hollywood actress Gal Gadot ang pagkanta ng “Imagine” na kanta ni John Lennon para mapalakas ang loob ng mga fans nito sa banta ng coronavirus sa buong mundo.

Sa kaniyang social media account, sinamahan siya ng kaniyang mga kaibigan sa industrya na kumanta.

Ilan sa mg dito ay sina Kristen Wiig, Jimmy Fallon, Natalie Portman, Will Ferrell, Sia, Norah Jone at Chris O’ Dowd.

Sinabi ng bida sa “Wonder Woman 1984”, na-inspire ito sa ginawa ng isang lalaking Italyano na gamit ang trumpeta sa balcony at sinamahan ng kaniyang mga kapitbahay na kumanta habang naka-quarantine.