Sisimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ganap na implementasyon ng Food stamp program sa Disyembre.
Kinumpirma ito ni DSWD USec. for Innovations Eduardo Punay ang anunsiyo sa ika-3 Nutrition Education Session at 4th Redemption Day ng pilot beneficiaries in Tondo, Manila.
Sa kasalukuyan ayon sa opisyal, isinasagawa na ang pilot implementation kung saan target ang 3,000 pamilya sa 5 pilot sites at saka susundan na ng full implementation sa darating na Disyembre.
Sinabi din ni Punay na sa pamamagitan ng issuance ng Executive Order 44, na nagdedeklara sa food stamp program bilang isang flagship program ng Marcos administratin, matitiyak din aniya ang pondo para sa mga mahihirap na pamilya.
Sa ilalim ng naturang programa, mabibigyan ang mga benepisyaryo ng buwanang food credits na nagkakahalaag ng P3,000 sa loob ng anim na buwan.
Magagamit ang food credits para bumili ng masusustansiyang pagkain mula sa accredited partner retailers ng DSWD.