James Michael Tyler
-- Advertisements --

Pumanaw na ang actor na si James Michael Tyler sa edad 59.

Kinumpirma ito ng kaniyang representative na si Toni Benson matapos ang pakikipaglaban sa prostate cancer.

Taong 2018 ng unang na-diagnosed ito ng nasabing cancer.

Nakilala si Tyler sa pagganap bilang coffee shop manager na si Gunther sa tv series na “Friends”.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang mga kasamahan at kapwa showbiz personality nito.

-- Advertisement --