Hinatulang makulong ng dalawang taon ang isang doctor na nagsabing positibo sa coronavirus at sinadyang umubo sa harap ng mga kapulisan sa France.

Ang 66-anyos na doctor na mula sa north Lille city ay naaresto.

Isinumbong kasi ng asawa nito na posibleng nahawaan ito ng coronavirus matapos na may mga nakasalamuha itong positibo sa virus.

Pagdating ng mga kapulisan ay binigyan ito ng gloves at mask subalit tinanggal nito at inubuhan pa ang mga kapulisan.

Inilagay ang doktor sa isang hiwalay na kulungan at pinagbawalan din itong makasalamuha ang asawa.