Nakakapagtaka raw kung bakit sinasabi ngayon ng kampo ni incumbent President Donald Trump na may nagaganap na dayaan sa nagpapatuloy na bilangan para sa 2020 US presidential elections.
Ayon kay Bombo International News Correspondent at volunteer poll watcher na si Francey Youngberg mula Virginia, kung titingnan aniya nang mabuti ay buong pamilya ni Trump ang bumoto sa pamamagitan ng mail-in voting.
Sa isang press conference kasi ay tahasang pinagbintangan ng panganay na anak ng Republican president at Presidential adviser Eric Trump na may nagaganap umano na dayaan sa bilangan ng boto sa pagitan ng kaniyang ama at katunggali nito na si Democratic presidential candidate Joe Biden.
Nakatanggap daw kasi sila ng mga sumbong na ilan sa mga poll watchers ng American president ang hindi pinayagang makapasok sa mga polling sites upang bantayan ang vote counts.
Paliwanag ni Youngberg, isa lamang daw ito sa mga taktika ni Trump para guluhin ang bilangan dahil hindi aniya nito tanggap na malapit na siyang matalo.