Binawi ng France ang kanilang mga ambassadors na nakatalaga sa US at Australia.

Ang nasabing hakbang ay bilang protesta sa naging security deal ng US, Australia at United Kingdom.

Ayon French Foreign minister Jean-Yves Le Drian na tama lamang ang ginawa nilang hakbang.

Magugunitang nagkasundo ang US, Australia at UK na magsama para mapaigting ang kanilang pagbabantay sa kanilang mga karagatang kanilang nasasakupan.

Kasama rin sa kasunduan ang paggawa ng US ng nuclear-powered submarines na ibibigay sa Australia.

-- Advertisement --