Inanunsiyo ng Formula 1 racing billionaire Bernie Ecclestone na naging ama muli sa edad na 89.

Ito ay matapos na nagsilang ng isang baby boy ang asawa nitong 44-anyos na si Fabiana Flosi.

Naging normal lamang aniya ang pagsilang nito sa Switzerland.

Mayroon ng tatlong anak si Ecclestone sa nakaraang dalawang asawa nito.

Unang anak nito na si Deborah, 65, mula sa unang asawang si Ivy Bamford na sinundan nina Tamara, 35 at Petra, 31 sa pangalawang asawang si Slavica Radic.

Nakilala ni Ecclestone si Fabiana nong 2009 at ikinasal sila noong 2012.