Pansamantalang sinuspinde ng Public Attorney’s Office (PAO)-Forensic Laboratory ang kanilang forensic activity.

Ito ang inanunsyo ni PAO Forensic Director Dr. Erwin Erfe habang naghihintay sila sa tugon ng Pangulong Duterte sa kanilang apela na i-veto ang pondo ng laboratoryo.

Ayon kay Dr. Erfe, kabilang sa mga itinigil muna nilang forensic activity ay ang ika-150 suspected Dengvaxia victim.

Sa kabilang dako, magpapatuloy naman aniya ang medical at dental
community missions ng PAO Forensic Laboratory.

Dagdag ni Dr. Erfe na ipinauubaya na nila kay Pangulong Duterte ang kapalaran ng pagpapatuloy ng misyon ng PAO Forensic Team lalo na sa mga kapos-palad.

Una nang pinangalanan ni PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta sina Senador Franklin Drilon, Sonny Angara, Rep. Edcel Lagman at Congrsseiman Janet Garin na nasa likod ng P19.5million budget cut sa PAO Forensic Laboratory.