Inabisuhan ng National Disaster Risk Reduction and Management Office (NDRRMC) ang publiko na antabayanan ang kanilang ilalabas na memorandum o advisory para sa forced evacuation na ipatutupad sa mga lugar na dadaanan ng Bagyong Vinta.

Ayon Kay NDRRMC spokesperson Mina Marasigan, ang hakbang ay bilang pag-ingat sa mga posibleng landslide dahil sa malakas na bugso ng bagong bagyo.

Pinayuhan ni Marasigan ang mga residente sa mga lugar na tatamaan ng bagyo na makipagtulungan sa mga otoridad at sumunod sa ipatutupad na pre-emptive evacuation sa ilang mga peligrosong lugar.

Inaasahang tatahakin ni “Vinta” ang buong Mindanao mula sa Caraga Region, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, at Agusan del sur.

Posible aniya itong mag-landfall o tumama sa Davao Oriental bago tatawid sa Western side ng Mindanao at posibleng maapektuhan din ang mga lalawigan sa bahagi ng Eastern Visayas.

Kasalukuyang naka red-alert status ang NDRRMC sa pag-antabay sa pag-landfall ng bagyo ngayong gabi o bukas ng madaling araw.