CEBU CITY – Nagtutulungan ang mga drivers ng isang food delivery service sa Cebu City upang matulungan ang mga frontliners na nakikipaglaban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito’y matapos na nag-ambagan ang ilan sa kanila ng pera upang makabili ng face mask at ipamahagi ng libre sa bawat frontliner na dumaan sa Sanciangko Street ng nasabing lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo sa isa sa mga driver na si Ferdinand Llaguno sinabi nitong masaya pa rin sila sa kanilang ginagawa dahil nakita nito ang hirap na pinagdaanan ng mga health workers.
Dagdag pa ni Llaguno na kailangang tulungan ang mga medical frontliners dahil sila ay nagsisikap upang gumaling ang mga pasyenteng nahawaan ng coronavirus.
Ang mahalaga ngayon, aniya, ay ang magtulungan at magdamayan ang bawat isa nitong hinaharap na krisis.