Nakatikim na naman ng pagkatalo si dating lightweight champion Eduard Folayang.

Dalawang beses kasi siyang pinabagsak ng kalaban na si Antonio Caruso ng Australia sa ONE: Inside the Matrix na ginanap sa Singapore Indoor Stadium.

Kaya ginawaran ng judges ng unanimous decision si Caruso.

Nahirapan si Folayang na matapatan ang mga suntok at sipa ng 5-foot-11 na si Caruso.

Ito na ang pang-apat na pagkatalo sa limang laban ni Folayang na mayroong record na ngayon na 22 panalo at 10 talo.

Huling nagwagi ang Team Lakay fighter ay sa technical decision laban kay Amarsanaa Tsogookhuu ng Mongolia noong November 2019.