Dahil sa pinalakas na focused military operations, tatlong teroristang Abu Sayyaf ang naaresto ng militar sa probinsiya ng Sulu.

Sa report na inilabas ng Western Mindanao Command (Wesmincom) naaresto ang tatlong terorista sa isinagawang operasyon sa Patikul,Sulu, gabi nuong Huwebes.

Nakilala ang tatlong naarestong bandido na sina Gafur Albani Absari, Medzfar Mangabong, at Madjid Mangabong.

Ayon sa Wesmincom mga tropa mula sa 5th Scout Ranger Battalion ang nanguna sa operasyon.

Kaagad naman tinurn over ang tatlong naarestong bandido sa Sulu Police Provincial Office para sa kaukulang pagsasampa ng kaso.

Pinuri naman ni Wesmincom Commander Lt Gen. Arnel Dela Vega ang mga tropa dahil sa kanilang agresibong operasyon laban sa ASG.