BAGUIO CITY – Inaabangan na ang pagsisimula ng selebrasyon ng 2019 Adivay Festival ng Benguet.

Ayon kay Benguet Vice Governor Johnny Waguis, ang kick off program ng nasabing event ay bukas, November 6, sa pamamagitan ng ecumenical service na magsisimula alas-8:00 ng umaga sa kapitolyo ng probinsiya.

Tampok sa programa ang mga kandidata ng Mister and Miss Benguet 2019 na nagmula sa 13 munisipyo ng lalawigan.

Ayon pa kay Waguis, pagkatapos ng programa ay agad isusunod ang mga nakalaang aktibidad para sa isang buwang selebrasyon.

Kabilang sa nakalinyang masasaksihan ang float, mascot at sports competition, gayundin ang senior citizens adivay show, at iba pa.

Nariyan din ang Dongba ni Kavajo, canao, trade fair at ang pamamahagi ng watwat na bahagi na ng kultura ng probinsia.

Kaugnay nito, inaasahan ni Vice Waguis ang maaliwalas na panahon sa kabuuan ng Nobyembre para sa selebrasyon ng 119th Adivay Festival.