Naantala ng ilang oras ang flight ng UK-Pakistan passenger plane matapos na buksan ng isang pasahero ang emergency exit door sa pag-aakalang ito ang pintuan ng palikuran.

Nangyari ito habang nasa Manchester airport pa ang Pakistan International Airlines (PIA) flight 702.

Mula sa Manchester, United Kingdom ang eroplano patungong Islamabad, Pakistan.

Agad na pinababa ang mga pasahero mataps na mabuksan ang exit slide.