NAGA CITY – Nakatutok ngayon ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Malungon, Sarangani sa ilang mga lugar sa kanilang na may naitalang flash flood.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay MDRRMO Head Jessie Dela Cruz, sinabi nitong maliban sa sunod-sunod na lindol, nararanasan din ngayon sa ilang barangay ang flash flood dahil sinasabayan aniya ang pagyanig ng malakas na pag-ulan.

Ayon kay Dela Cruz, ito aniya ang unang beses sa kasaysayan ng Maungon na tinamaan ng malakas na lindol.

Kaugnay nito, hindi aniya naiwasang mangamba at makaramdam ng takot ang mga residente sa lugar.

Sa ngayon, naka-alerto aniya ang kanilang mga personahe katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para matiyak ang kaligtasan ng mga tao sa lugar.