CENTRAL MINDANAO-Todo bantay ngayon ang militar at pulisya sa armed shipment ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Ang mga matataas na uri ng armas ay galing umano sa ibang bansa at posibling dadaan sa southern backdoor ng Mindanao.

Galing umano ang mga modernong armas sa mga bansa na sumusuporta sa pinaglalaban ng grupo ni Shiekh Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife ng BIFF-ISIS Inspired Group.

Maliban sa mga baril ay tumatanggap rin ng tulong na pinansyal ang BIFF galing sa Islamic State of Iraq and Syria.

Kahit hindi kompermado ang naturang ulat ay todo bantay ang mga otoridad para hindi makalusot ang armed shipment ng BIFF.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here