NAGA CITY – Hindi umano maiwasan ng Filipino comunity sa Hong kong na makaramdam ng hiya dahil sa hindi nila maipakita ang supporta sa democracy movement sa gitna ng pagiging tahimik ng Pilipinas sa kabila ng nangyayaring kaguluhan sa nasabing lugar.

Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, kinumpirma nito na hindi lamang mga mamamayan ng Hong Kong ang makikitang nagra-rally sa mga lansangan.

Ito’y matapos nagpasa na ng resolusyon ang US, Canada at Australia na sumusuporta sa mga pro-democracy.

Ayon kay Sadiosa, inaasahan na pati ang iba pang bansa ay magpapasa na rin ng batas upang suportahan ito.

Gayunman, nahahati aniya ang desisyon ng mga Pilipino dahil hindi maibibigay ng mga ito ang suporta sa mga pro-democracy dahil alam ng mga ito ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Sa kabila, nito wala namang napabalitang nakaranas ng diskriminasyon ang mga Pinoy sa loob ng pitong buwang pag protesta ng mga mamamayan sa lugar.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here