kristina Knott 1

Muling binasag ng 24-anyos na Fil-American sprinter ang record ni Lydia de Vega sa 100 meter dash.

Sa first heat ng 100 meter dash nakapagtala ng record si Kristina Knott na 11.45.

Naungusan nito ang record ni de Vega noong 1986 na 11.53 sa Seoul Asiad.

Pumangalawa sa event si On-uma Chattha ng Thailand at Shanti Veronica Pereira ng Singapore.

Nitong hapon, isasagawa ang finals para sa 100 meter dash.