Nakiisa si Filipino-American player Jordan Clarkson sa mga nagsasagawa ng kilos protesta laban sa mga kapulisan matapos masawi ang black-American na si George Floyd.

View this post on Instagram

!!!! @donthypeme

A post shared by Jordan Clarkson (@jordanclarksons) on

Sa kaniyang Instagram post, makikita ang pagsama nito sa kilos protesta sa Los Angeles kasama ang kapwa NBA player na si JR Smith.

Nagpost din ito ng larawan ng bata na may dalang karatula na nakasulat ang “Filipinos 4 Black Power”.

Isa lamang ang Utah Jazz player na naglabas ng sama ng loob sa pagkakasawi ni Floyd ilan sa mga dito ay sina Los Angeles Lakers star LeBron James, dating NFL player Colin Kaepernick, tennis star Naomi Osaka at maraming iba pa.

Magugunitang nasawi si Floyd matapos na ito ay daganan ito sa leeg ng pulis sa Minneapolis gamit ang tuhod nito.