GEENA ROCERO
Geena Rocero/ IG post

Nakagawa ng record sa kasaysayan ang Filipino-American model Geena Rocero matapos na maging kauna-unahang transgender Asian Pacific Islander Playboy playmate.

Sa kaniyang Instagram account, inanunsiyo nito ang nasabing balita.

Taong 2014 ng lumantad si Rocero bilang trans-woman at mula noon ay naging advocate na ng trans community.

Tubong Manila si Rocero at noong 17 anyos pa lamang ito ay lumipat na sila ng kaniyang mga pamilya sa US.

Doon ipinagpatuloy nito ang pagiging modelo sa New York.

Itinuturing na siya ang pangalawang openly transgender playmate na ang una ay ang French model na si Ines Rau.