Pumayag na umano ang Utah Jazz na i-trade si guard Dante Exum sa Cleveland Cavaliers kapalit ni Filipino-American guard Jordan Clarkson.

Batay sa source, makukuha rin ng Cavaliers ang dalawang second-round picks na nakalaan para sa Utah.

Nangyari raw ang kasunduan ilang saglit matapos ang laro ng Jazz kontra sa Miami, at laban ng Cavs at Atlanta.

Si Clarkson, na tatlong seasons nang bahagi ng Cleveland, ay nagtala ng average na 14.6 points, 2.4 rebounds at 2.4 assists sa loob ng 29 laro.

Habang si Exum, na No. 5 overall pick noong 2014 NBA Draft, ay hirap na mapanatiling malusog ang sarili sa kanyang carerr, ngunit nagpapakita naman ng senyales na tumataas ang kanyang draft stock.

Nagrehistro lamang ng 2.2 points at 7.5 minutes ngayong season ang Australian native.