Reading Time: 1 minute

LONDON – Nagbulsa ng ilang mga records si Roger Federer kasabay ng kanyang pag-usad sa fourth round ng nagpapatuloy na Wimbledon Cup.

Sa loob ng dalawang oras at limang minuto ay pinakain ng alikabok ng Swiss star si Lucas Pouille 7-5 6-2 7-6(4).

Dahil dito, si Federer ang unang player na nagkamit ng 350 match wins sa majors.

Maliban dito, nagtala rin ng professional era record si Federer matapos na makatuntong ito sa last 16 sa ika-17 pagkakataon, rason upang mahigitan ang benchmark na pinagsaluhan nila noon ni Jimmy Connors.

Susunod na makakarahap ni Federer ang Italian 17th seed na si Matteo Berrettini.