Reading Time: 1 minute
Roger Federer
Roger Federer/ IG post

Lumalaki na ang tsansa ni Swiss tennis star Roger Federer na makuha ang ika-9 nitong Wimbledon title matapos na makapasok siya sa finals ng talunin si Rafael Nadal.

Nakuha ng 37-anyos na si Federer ang score na 7-6, 1-6, 6-3, 6-4 para tuluyang talunin ang Spanish tennis star.

Tila nakabawi si Federer sa unang paghaharap nilang dalawa noong 2008 dahil nagwagi noon si Nadal.

Aminado si Federer na labis siyang napagod sa laro nila ni Nadal dahil sa tindi ng laro na ipinamalas ni Nadal.

Pinaghahandaan niya ngayon ang laban kay Novak Djokovic sa finals ng torneo kung saan tinalo nito si Roberto Bautista Agut sa semifinals.