Mariing binalaan ngayon ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbebenta at paggamit ng hindi rehistradong sexual enhancement pills.

Sinabi ni FDA Director General Nela Charade Puno, batay sa kanilang post-marketing surveillance, lumalabas na walang Certificate of Product Registration ang naisyu sa Maximum Sexual King pills.

Ayon sa FDA, nakasad sa Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009, mahigpit na ipinagbabawal ang manufacture, importation, sale, distribution, transfer, promotion, advertisement o pag-isponsor ng mga produktong walang otorisasyon mula sa FDA.

Kaugnay nito, hiniling ng FDA sa Bureau of Customs (BoC) na pigilan ang pagpasok sa bansa ng mga nasabing sex pills.