-- Advertisements --
received 3161110313933017

Nagbabala ngayon ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa mga kumakalat na balitang mayroon nang gamot o vaccine na sinasabing safe at effective para sa COVID-19.

Ayon sa FDA, wala pang registered drugs o vaccines na lisensiyadong gamitin para sa COVID-19 treatment o prevention.

Sa ngayon, on-going pa lang daw ang clinical trials para imbestigahan ang safety at efficacy ng nga existing drugs.

Kabilang dito ang anti-viral, anti-bacterial at anti-malarial agents sa treatment ng COVID-19 patients.

“Manufacturers and vendors of unlicensed products such as PRODEX B and the Fabunan Antiviral Injections have been informed regarding the process and requirements to register their products with the FDA Center for Drug Regulation and Research (CDRR). No applications for product registration have been filed to date. Until such products are proven safe and effective for use in the treatment of COVID-19 they cannot be dispensed to the public nor can therapeutic claims be made,” base sa statement na inilabas ng FDA.

Noong mga nakaraang araw, inilunsad ng World Health Organization (WHO) ang Solidarity Trial, isang large-scale clinical trial na dinaluhan ng iba’t ibang bansa kabilang na ang Pilipinas na layong ma-identify ang evidence-based treatment regimen para sa COVID-19.

Muli, iginiit ng FDA ang kanilang mandato para siguruhing ligtas at efficient ang mga gamot para protektahan ang public health at nangakomg makikipagtulungam sa lahat ng agencies para siguruhin ang agarang pagresponde ss kinahaharap na global health crisis.