Reading Time: 1 minute

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na prescription mula sa doktor ang kailangan sa pagbili ng mga glutathione products na sinasabing makakatulong sa pagpapaputi ng balat.

Sa isang panayam sinabi ni Katherine Lock ng FDA Center for Drug Regulation and Research na hindi rehistrado bilang skin-ligthening product ang glutathione dahil gamot daw ito para sa sakit.

Paliwanag ng opisyal hindi dapat ginagamit ang mga produktong may glutathione kung walang reseta ng doktor dahil may toxic side effects ang labis na paggamit nito.

Pinaka-nanganganib daw na tamaan nito ang liver, kidney at nervous system.

Kamakailan nang ianunsyo ng FDA na walang silang inaprubahang injectable products na pampaputi.

“The FDA has not approved any injectable products for skin lightening.Injectable glutathione is approved by FDA Philippines as an adjunct treatment in cisplatin chemotherapy.”

Ayon sa ahensya makabubuting kumonsulta sa dermatologist ang isang nais gumamit ng produkto na may glutathione content.