ROXAS CITY – Nagpaalala ngayon ang isang IT expert hinggil sa kumakalat na dummy accounts sa online platform na Facebook dahil sa posibilidad umano na maging biktima ang mga ito ng hackers.

Ayon kay Malcom Milton Aguirre, IT at data protection officer ng Capiz Emmanuel Hospital, hindi lahat ng gumagamit ng nasabing platform ang may ideya sa pag-secure sa kanilang personal information.

Paliwanag ni Aguirre na importante na ma-secure ng isang user ang kanyang personal data dahil posible itong magamit ng mga hackers.

Ngunit maaaring ma-locate sa pamamagitan ng IT tracing ang lokasyon ng device o IP address na gingamit pero hindi direkta ang gumawa ng fake account.

Maaari ring i-report sa National Privacy Commission at Anti Cyber Crime division ng PNP kung magkaroon ng dummy account ang isang user.

Dahil dito ay nagpaalala si Aguirre sa mga FB users na iwasan ang pagbisita sa mga website na inoobligang magbigay ng personal data ang user dahil ito ang simula ng pag-hack ng account.