Lalo pang bumaba ang farm-gate price ng palay sa P15.83 kada kilo noong katapusan ng Setyembre

Batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang naturang presyo ay pinakamababa sa nakalipas na walong taon.

Mas mababa rin ito ng 29.25 percent kumapara sa presyo sa kaparehas na period noong nakaraang taon.

Ito na ang ikalawang linggo na ang farm-gate price ng palay ay umabot sa P15 kada kilo at ikalawang pagkakataon na humantong sa eight-year low.

Magmula nang naipatupad ang Rice Tariffication Law noong Marso, patuloy ang pagbulosok ng presyo ng palay.

Pero hanggang sa ngayon ay wala pang naipapatupad naman ang gobyerno na pang matagalan na solusyon para maresolba ang problema na ito.