Mayor Pangilinan
-- Advertisements --

Pumanaw na ang alkalde ng bayan ng Famy, Laguna Mayor Edwin Pangilinan matapos dapuan ng COVID-19.

Kinumpirma ito ng kampo mismo ng 53-anyos na alkalde.

Ayon sa Public Affairs Office ng Laguna, dinala pa sa pagamutan ang alkalde noong Marso 15 dahi sa hirap itong huminga at noong araw din yun ay nagpositibo COVID-19.

Kasabay din na pumanaw ang ina ng alkalde na si Lucena dahil sa hirap sa paghinga sa edad na 76.