Arthur Blank 2016
Arthur Blank/ IG post

Nagbigay ng donasyon na nagkakahalaga ng $5.4 million ang may ari ng Atlanta Falcons na si Arthur Blank bilang tulong para malabanan ang coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa 77-anyos na Falcons owner na ilalaan niya ito sa Greater Atlanta COVID-19 Response and Recovery fund ang charity na itinatag para sa mga apektado ng virus sa Georgia.

Dagdag pa ng American football owner na naniniwala siya na isang malaking dagok sa mundo ang virus na dapat labanan.

Inanunsiyo din nito ang pag-donat niya ng $100,000 bilang suporat sa public schools sa Atlanta, $100,000 para sa mga kapulisan at $100,000 sa anim na non-profits na tumutulong para magbigay ng pagkain sa lugar.

Bukod pa dito ay magbibigay din siy ang karagdagan $100,000 sa iba’t-ibang foundations sa Montana.

Bilang co-founder ng Home Depot ay kilala sii Blank sa pagbibigay ng donasyon sa iba’t-ibang charity foundatins.